Pagkakaibigan

Bong Abad-Santos, SJ - Charlie Cenzon, SJ

Ang sino man sa Aki'y mananahan,
Mananahan din Ako sa kanya.
At kung siya'y mamunga nang masagana,
S'ya sa Ama'y nagbigay ng karangalan.

Koro:
Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay,
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama,
Sa inyo'y Aking ipinadarama.
Sa pag-ibig Ko kayo sana ay manahan,
At bilin Ko sa inyo ay magmahalan.

Pinili ka't hinirang upang mahalin,
Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin.

Humayo ka't mamunga nang masagana.
Kagalakang walang-hanggang ipamamana.

Pagbubunyi

Silvino Borres Jr., SJ - Manoling Francsico, SJ

Koro:
Bayan ngayo'y nagbubunyi, sabay-sabay nagpupuri.
Dahil inako ng Kristong Hari, kaligtasan ng Kanyang lipi.

Sa Kanyang kinaluluklukan, dininig aming panambitan.
Abang bayan nagpagibik, sa kandili N'ya nananabik.

Bayang walang masulingan, sa kandili N'ya nasumpungan.
Paglingap na walang humpay, tulad ng bukang-liwayway.

Koda:
Bayan, ngayo'y nagbubunyi, sabay-sabay nagpupuri;

Previous Posts

Posts in our Archive