Fernando Ando Macalinao, SJ - Eddie Hontiveros, SJ
Ang liwanag Mo ang sumindak sa dilim;
Buong kalangitan, nagsaya't nagningning.
Kumislap, umindak ang mga bituin.
Nalikha ang lahat ng mga lupain.
Pag-ibig Mo, Ama, ay hatid Mo sa amin
Malaya't matindi, hindi nagmamaliw.
Dinilig sa tuwa ang buong nilikha.
Pinuno ng aliw ang aba at ang dukha ng pagmamahal
Binigay Mong sadyang, matupad sa gawa ang 'Yong salita.
Wakas:
Amen.
Paghahandog
Rene San Andres
Ang himig Mo ang awit ko, lahat ng ito'y nagmula sa Iyo.
Lahat ay iiwanan ko wala nang kailangan, sapat na ito.
Ang himig Mo ang awit ko, lahat ng ito'y nagmula sa Iyo.
Muling ihahandog sa 'Yo, buong puso kong inaalay sa 'Yo.
Koro:
O D'yos, O Panginoon, lahat ay biyayang aming inampon.
Aming buhay at kakayahan,
Ito'y para lamang sa 'Yong kalwalhatian.
Ang tanging ninanais ko ay matamo lamang ang pag-ibig Mo.
Lahat ay iiwanan ko wala nang kailangan, sapat na ito.
Subscribe to:
Comments (Atom)