Jandi Arboleda - Manoling Francisco, SJ
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo,
Na magbigay nang ayon sa nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo.
Nang makibakang di inaalintana,
Mga hirap na dinaranas,
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan.
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y s'yang sinusundan.
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo,
Na magbigay nang ayon sa nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo.
Pagtitipan
Rene Javellana, SJ - Eddie Hontiveros, SJ
Hesukristo, na naglingkod sa taong mahal, buong puso,
Ang sarili Mo’y inialay.
Aking buhay, pagpalai’t bihagin,
Upang Iyong alipin, manatili sa pag-ibig Mo.
Panginoon, munti ngang handog ko sa Iyo,
Sa tingin Mo, halaga ay higit sa ginto,
Sapagkat Diyos ko, tangi Mong hinahanap,
Sa pag-ibig magiging tapat ang puso ko.

Subscribe to:
Comments (Atom)