Noel Miranda
H'wag mong naising lisanin kita.
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa.
Sa'n man magtungo ako'y sasabay,
Magkabalikat sa paglalakbay.
Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo.
Yayakapin ang landasin at bayan mo.
Poon mo ay aking ipagbubunyi, at iibigin nang buong sarili.
Sa'n man abutin ng paghahanap, ikaw at ako'y magkasamang ganap.
Ipahintulot nawa ng Panginoon, ni kamataya'y maglalaho anino ng kahapon.
Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo, mananatili ako.
H'wag nang naising tayo'y mawalay.
H'wag nang isiping magwawakas ang paglalakbay.
H'wag mong naising lisanin kita. Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa.
Saan man magtungo ako'y sasabay. Magkabalikat sa ating paglakbay.
Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo.
Yayakapin ang landasin at bayan mo.
Koda:
H'wag mong naising lisanin kita. Ooh...
Pananalig
Silvino Borres Jr., SJ - Manoling Francisco, SJ
Hangga't hindi nahihimlay sa puso Mong dalisay.
Sa puso kong umiibig, walang nananaig,
Kundi yaong pananalig sa Sintang iniibig.
KORO:
Hindi Ka man masilayan,
At init Mo'y maglaho nang tuluyan,
Pag-ibig ko sa 'Yo at katapan,
Mananatili kailan pa man.
Bawat tao'y nalulumbay at di mapalagay,
Hangga't hindi nahihimlay sa puso Mong dalisay.
Subscribe to:
Comments (Atom)