Panunumpa

Jboy Gonzales, SJ

Ikaw lamang ang pangakong mahalin,
Sa sumpang sa Iyo magpakailanpaman.
Yakapin Mo'ng bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa 'Yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin.
Pangakong walang hanggan.

Ikaw lamang ang pangakong susundin.
Sa takbo sakdal, liwanagan ang daan.
Yakapin Mo'ng bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'Yo lamang alay.
At mapapawi ang takot sa 'kin.
'Pagkat taglay lakas Mong angkin.

Bridge:
Ikaw ang siyang pag-ibig ko,
Asahan Mo ang katapatan ko.
Kahit ang puso ko'y nalulumbay,
Mananatiling ikaw pa rin.

Ikaw lamang ang pangakong mahalin,
Sa sumpang sa Iyo magpakailanpaman.
Yakapin Mo'ng bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'Yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin.
Pangakong walang hanggan.

At mapapawi ang takot sa 'kin
'Pagkat taglay lakas Mong angkin.

Panginoon ay Purihin

Arnel Aquino, SJ - Silvino Borres Jr., SJ - Nemy Que, SJ

Koro:
Panginoon ay purihin, Ngalan N'ya ay dakilain.
Panginoon ay purihin, Ngalan N'ya ay dakilain.

Panginoon, Ikaw ang may likha ng langit, dagat, at lupa,
Ng b'wan, araw, at mga bituin, Tanang nilalang sa papawirin.

Naglalagablab sa silanganan, pagmamahal Mo sa tanan.
Pag-ibig Mo ay walang hanggan, ito'y mananatili kailanpaman.

Aming awitin, sa tamis ay salat; kulang sa rikit ang aming salita.
Anong papuri ang nararapat kaya, sa tulad Mong dakila ang gawa?

Previous Posts

Posts in our Archive