Pari Magpakailanman

Danny Isidro, SJ - Eddie Hontiveros, SJ

Mula sa bayan ng Diyos pinili ka't hinirang
Ikaw ay Pari magpakailanman, Pari magpakailanman
Ang Diyos na banal ang sa'yo'y humirang
Pari magpakailanman, magpakailanman

Panginoo'y sumumpa, sumpang di niya babawiin:
Ikaw ay Pari magpakailanman katulad ni Hesus,
Paring walang hanggan, Paring kataastaasan.

Koda:
Mula sa bayan ng Diyos ika'y pinili't hinirang.
Ikaw ay Pari magpakailanman,
Pari magpakailanman.

Papuri

Jandi Arboleda - Chito Salazar - Norman Agatep

Itaas na ang mga mata,sa Panginoong lumikha
Ng mga lupa at tala, ng gabi at umaga.

Koro:
Itaas na sa Kanya mga himig at kanta
Tula't damdamin, mga awitin, lahat na ay ialay sa Kanya.

Kalikasa'y nangagpupugay, may mga huni pang sumasabay
Pagpupuri ang nadarama sa Diyos nating Ama.

Koda:
Isigaw sa iba ang papuri sa Diyos Ama
Lahat ng lugod at lahat ng saya ialay sa Kanya.

Wakas:
...sa Kanya. Ialay sa Kanya.

Previous Posts

Posts in our Archive