Danny Isidro, SJ - Fruto Ramirez, SJ
Koro:
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira,
Hipan ninyo ang trumpeta.
Sa ating pagkabagabag, sa D'yos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas.
Ang pasaning mabigat sa 'ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan ng D'yos na tagapagligtas.
Pintig ng Puso Ko
Luis Antonio Cardinal Tagle - Eddie Hontiveros, SJ
Musmos ka pa lamang, minahal na kita.
Mula sa kawalan, tinuring kang anak.
Sa bawat tawag Ko, ika'y lumalayo.
Hindi mo batid, Ako'y nabibigo.
Aking isasaysay, kung mararapatin, sa una mong hakbang, nang kita'y akayin
Binalabalan ka, matang masintahan, kinakandong kita, animo'y alipin.
Koda:
Pinagtabuyan mo Ako, pinagtulakan nang husto.
Maglaho ka sa harap Ko! Ngunit yaring pintig ng puso ko!
Matupok mang lahat sa buong daigdig, hindi magmamaliw ang Aking pag-ibig.
Panginoon Ako, at hindi alabok. Paano Ko kaya, ikaw malilimot?
Paano Ko kaya, ikaw malilimot?

Subscribe to:
Comments (Atom)