Tony Perez - Fruto Ramirez, SJ
Sa langit ay higit ang danda sa ganda,
Luwalhati ang awit at ang kanta. At ako'y nalayo at naging alaala,
Kay tagal ko na nga pa lang nawawala.
Sandaling nawaglit sa aking isip, pahapyaw na tanawin
Ang nagbabalik, Bakit ba ako nalilito, nanlalamig?
Ako ba'y nananabik sa Kanyang halik?
Sa Iyong Pag-ibig
Natthan Dublin
Ako'y nananabik makapiling Ka sa bawat sandali.
Walang isang saglit, nanaising sa Iyo ay mawaglit.
Tangi kong dalangin, manatili,
Sa Iyong pag-ibig mamalagi.
Awitin ko'y hiling na ang 'Yong ngiti ang nais makamit.
At sana'y mabatid ang pagkabighani ng aking dibdib.
Kung hindi man sasapat ang paghimig,
Hayaang buhay ko'y sa 'Yo maiawit.
Ako'y yakapin Mo, h'wag Mong pahihintulutan malayo.
Poon pakinggan Mo ang sigaw ng pusong naakit sa 'Yo.
Sa hustong paggiliw Mo ay lingapin.
Nang sa bawat pagpintig ay hanapin.
O pag-alabin Mo, adhika ng puso'y pagningasin Mo.
Ako'y yakapin Mo, sa Iyong pag-ibig ay itago Mo.
Ako'y yakapin Mo.

Subscribe to:
Comments (Atom)