Tanging Yaman

Philip Gan - Manoling Francisco, SJ

Koro:
Ikaw ang aking tanging yaman,
Na di lubusang masumpungan.
Ang nilikha Mong kariktan,
Sulyap ng 'Yong kagandahan.

Ika'y hanap sa t'wina, nitong pusong Ikaw lamang ang saya.
Sa ganda ng umaga, nangungulila sa 'Yo, Sinta.
(Repeat Chorus)

Ika'y hanap sa t'wina, sa kapwa ko Kita laging nadarama.
Sa iyong mga likha, hangad pa ring masdan ang 'Yong mukha.

Tanggapin Ninyo

Nemy Que, SJ

Tanggapin ninyo ang Aking katawan,
Na ihahandog Ko para sa inyong lahat.
Sa ikapagpapatibay ng pagmamahal,
Gawin ninyo ito, sa pag-alala sa Akin.

Koro:
Maraming salamat, Panginoon, sa sariling handog Mo sa amin,
Hindi kami karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo,
Ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na kami.

Tanggapin ninyo ang Kalis ng Aking Dugo,
Na Aking ibubuhos para sa inyong lahat.
Sa ikapagpapatawad ng kasalanan,
Gawin ninyo ito, sa pag-alala sa Akin.

Previous Posts

Posts in our Archive