Sumigaw sa Galak

Nemy Que, SJ

Koro:
Sumigaw sa galak! Umawit, umindak!
Purihin ang D'yos, purihin nang wagas!

Ang ginawa ng D'yos, lapit at pagmasdan,
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan:
Ibinulid Niya ang hari-harian; tayo'y hinango N'ya sa 'ting kaapihan;
Sa Kanyang pag-ibig tayo'y iningatan.

Lapit at makinig, aking isasaysay,
Ang Kanyang ginawang mga kabutihan:
Pinanghina tayo ng mga kaaway, ngunit ating daing Kanyang pinakinggan;
'Di tayo bumagsak, 'di pinabayaan.

Ako ay mag-aalay sa D'yos kong banal
Ng pangakong pag-ibig at katapatan.
Mga kasalanan ko'y 'di N'ya ininda, bagkus iniligtas pa 'ko sa kalaban.
Dininig, pinatawad at itinanghal!

Sumasamo Kami

Lorenzo Judan

Sumasamo kami sa 'Yo, marapatin yaring alay.
Panginoon, tanggapin Mo, itong alak at tinapay.

Sa 'Yo, Poon, aming handog: buong puso't pag-iisip.
Ilayo Mo sa panganib at kupkupin sa pag-ibig.

Buhay nami'y nakalaan, sundin ang 'Yong kalooban.
Lugod naming paglingkuran, layunin ng Kaharian.

Dinggin ang aming dalangin, yaring alay ay tanggapin.
Lahat kami'y pagpalain at kandungin sa 'Yong piling.

Previous Posts

Posts in our Archive