Tingnan ang Tao sa Krus

Albert Alejo, SJ - Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Tingnan, masdan ang tao sa krus: S'ya ang ating kaligtasan.
Halina't S'ya'y sambahin.

Hangga't ang butil ay hindi mahulog at mamatay,
Ito'y hindi lalago't hindi magbibigay-buhay.

Kapag sa 'kin na'y dumatal ang tamang panahon,
Luwalhati ang mabayubay sa 'sang kahoy.

Anong laking kahiwagaan, kababaang-loob:
Naging hamak na tao ang Diyos sa pagtubos.

Tayo na't Magdiwang

Arnel Aquino, SJ

Koro:
Tayo na't magdiwang,
Maligayang tunguhin dambana ng Diyos!
Sa kanyang tahanan,
Lahat tayo'y tanggap,
At pawang minamahal niya.

Tayo na at magdasal na maghari sa tanan
Ang katatagan, kapayapaan sa hirang Niyang sambayanan.

Diyos nati'y laging tanglaw.
Sa araw Siya'y liwanag,
Sinag naman ng buwan magdamag,
At ilaw magpakailanman.

Di Niya pababayaan irog niyang sambayanan.
Tulong N'ya'y laging maaasahan,
Pag-ibig N'ya'y laging tapat.

Ibig po nami'y habag, at ang Inyong patawad.
Pagkakasala'y limutin, at buhay nami'y, tubusin!

Ating ipanalangin sa tuwina'y manatili,
Pag-ibig Niya sa puso natin,
Kanya nawa'y pag-alabin.

Bilin ni Kristo Hesus:
Tayo ay magmahalan.
Tayo'y kanyang mga kaibigan,
At sugo Niya sa kaharian.

Koda:
Sa Kanyang tahanan, Lahat tayo'y tanggap,
At pawang minamahal Niya.

Previous Posts

Posts in our Archive