Tumawag sa Poon

Crispulo Pangilinan - Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Kung ika'y nagagalak, tumawag sa Panginoon
Kung ika'y nalulungkot, tumawag sa Poon
Kung ika'y nahahapis, tumawag sa Panginoon,
Sa pagdadalamhati, tumawag sa Poon.

Kapag nagagalak at nasisiyahan, umawit sa Kanya ng kaligayahan;
Salamat Panginoon, sa lahat ng tanan, sa lahat ng tuwa't kaligayahan.

Sa bukang-liwayway, sa iyong pagbangon, magtaas ng noo't, wikain sa Poon:
Hindi ko man batid, mangyayari ngayon, sa Iyo ay alay, lahat ng iyon.

Tubig ng Buhay

Lionel Valdellon

Koro:
Tubig ng buhay:
Paglalakbay patungo sa bagong buhay
O Hesukristo, aming gabay,
basbasan Mo ang aming alay.

Bukal ng liwanag:
Nagbibigay-ilaw sa mga bulag.
Kami'y lumalapit sa Iyong batis
Upang makakita!

Bukal ng pag-ibig:
Nagbibigay kulay sa buong daigdig.
Kami'y lumalapit sa Iyong batis
Upang magmahal!

Bukal ng pag-asa:
Nagbibigay buhay sa nagkasala.
Kami'y lumalapit sa Iyong batis
upang mangarap pa!

Previous Posts

Posts in our Archive