Kami'y Baguhin

O Panginoon aming hiling
Kami'y Iyong baguhin
Espiritu Mo'y suguin.

Pinupuri Ka O aking D'yos
Nitong aking kaluluwa
Dakila Ka Panginoon ko
Batbat ng liwanag na kay ganda.

S'ya ang nagtayo nitong lupa
Kay tibay di nasisira
Saliga'y di magigiba
Ang karagatan sa bundok ang bumalot.

S'ya ay lumikha nitong ilog
Sa gilid ng mga burol.
Umawit ng masasaya
Mga ibon ay nagpugad sa mga sanga.

Magalak (Exultet tagalog)

Ang Maringal na pagpapahayag ng pasko ng pagkabuhay


Magalak nang lubos ang sambayanan!
Sa Kalwalhatian lahat tayo'y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob
S'ya'y muling nabuhay tunay na manunubos!

Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!
Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan
Magalak, O sanlibutan, sa maningning nating ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim!

Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!
D'yos Ama'y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.
Sapagkat tapat s'yang tunay sa kanyang pananagutan
Para sa kinabilangan niya na sambayanan!

Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay
Ng kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan,
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina'y
Sa tubig pawing naparam, kalayaa'y nakamtan

Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang
Sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
'pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan-si Hesus nating mahal!

D'yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay
pag-ibig mo't katapatan para sa mga hinirang
handog mo'y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
higit sa lahat mong alay si Hesus naming mahal!

Dahil sa kaligayahang sa ami'y nag-uumapaw
Hain naming itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na Tanglaw
Ang dilim ng kamatayan ay napawi't naparam!

Ang araw ng kaligtasan, si Hesus bukang-liwayway
Walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,
Hatid n'ya'y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal

Upang aming magampanan aming pananagutan!

Previous Posts

Posts in our Archive