Poong sa ki'y nagliligtas

Poong sa 'ki'y nagliligtas
Ang dangal Mo'y s'yang aking galak
Ito'y aking galak.

Kaya ang kaaway di natutong matuwa sila'y hinango't
binigyang buhay, sila'y inahon sa pagkakasala.

Purihin ang Poon S'ya'y awitan ng tapat
Hinirang N'ya'y mag-awitan.
Gunitain Kanyang kabanalan.

Kaya ako'y dinggin mahabag Ka sa akin.
Pagsamo at panalangin sa sala ay 'Yong patawarin.

Aking Dalangin

D'yos ko ang aking dalangin
Ako'y Iyong tangkilikin
Ako'y Iyong tangkilikin

Ikaw lamang Panginoon ang lahat sa aking buhay
Sa pangangailangan Ikaw ang patnubay
Sa piling Mo kailan ma'y di matitinag.

Ako ngayo'y nagdiriwang diwa ko'y nagagalak
Ang nadarama ko'y di ako matitinag
Sa masama di ako pinabayaan.

Ang lagi  kong nadarama lubos na kagalakan.
Ang tulong Mo'y nagdulot ligayang
Walang hanggan, tinuro ay landas na walang hanggan.

Previous Posts

Posts in our Archive