D'yos ko sa 'ki'y likhain
Tapat na puso't loobin
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan Mo
O Diyos ng bagong damdamin sa iyong harapa'y
H'wag akong alisin ang Espiritu mo ang papaghariin.
Ang galak na dulot ng 'Yong pagliligtas
Ibalik at ako ay gawin Mong tapat.
Kung magkagayon na,
Aking tuturuang sa Iyo lumapit ang makasalanan.
Hindi mo na nais ang mga paghandog,
Sa hain sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko O D'yos, na karapat dapat
Ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat.
Panginoon Iyong Taglay
Panginoon Iyong taglay ang salitang bumubuhay
Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang.
Ito'y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
Yaong kanyang mga bataw ay mapagtitiwalaan.
Nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan.
Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos.
Liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod.
Ito'y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos
Pangunawa ng isipan yaong bungang idudulot.
Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti.
Isang banal na tungkulin na iiral na parati.
Pati mga hatol niya'y matuwid na kahatulan.
Kapag S'ya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

Subscribe to:
Comments (Atom)