Walang Hanggang Pasasalamat

Salamat sa iyo aming Ama
Salamat sa'yong mga likha
Salamat sa liwanag ng araw at buwan
Salamat sa'yo o diyos

Salamat panginoong Hesus
Salamat sa'yong pagliligtas
Salamat sa buhay na walang hanggan
Salamat, salamat sa'yo

Koro
Walang hanggang pasasa-lamat
Ang sa iyo aming sasambitin
Maging sa huling sandali ng aming buhay
Pasasala-mat sa iyo'y walang hanggan

Salamat espiritung banal
Salamat sa liwanag ng buhay
Salamat sa walang hanggang patnubay mo
Salamat sa'yo o diyos

Salamat sa mga magulang ko
Salamat sa mga kapatid ko
Salamat sa lahat ng kaibigan ko
Salamat, salamat sa'yo

Salamat sa bawa't pagsubok
Salamat sa tibay ng loob
Salamat sa landas ng pagbabago
Salamat sa'yo o diyos

Salamat sa wagas na pag-ibig mo
Salamat iniibig mo ako
Salamat sa bawa't taong nagmahal
Salamat, salamat sa'yo

Walang hanggang pasasa-lamat
Ang sa iyo aming sasambitin
Maging sa huling sandali ng aming buhay
Pasasala-mat sa iyo'y walang hanggan

Leo D. Rosario
Francisco M. Garcia

Pag-aalay Ng Sarili

Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.

Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.

Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.

Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.

Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.

Previous Posts

Posts in our Archive