Ang Biyaya ng Diyos

Lorenzo A. Judan

Ang biyaya ng Diyos ay bukal ng buhay
Kaloob N'ya sa taong hirang.

1. Katawan at dugo ni Kristo'y tanggapin. S'ya ay ligata't buhay natin.
2. Ang buhay ng tao ay isang halaman na dinidilig ng pag-ibig
3. Ang lakas at sigla laya at ligaya sa Panginoon nagmumula.
4. Sa pagkakasala ako'y naulila nawalay sa biyaya't sigla.
5. Hinango N'ya tayo sa dilim ng sala sa liwanag tayo'y magsaya.
6. Ang biyaya ng D'yos ating makakamtan;
Sundin ang kanyang kalooban. 

Sumasamba Sumasamo

Andrei Dionisio

Sa Iyo iaalay ang buhay at kalakasan
Sapagkat ito ang nararapat sa katulad Mong matapat.

Dahil sa pag-ibig Mo ang buhay ko ay nagbago
Sa t'wina ang ninanais ko ay laging maglingkod sa Iyo.

Koro:
Sumasamba, sumasamo naghahandog sa ngalan Mo
'Pagkat sa 'Yo ay nadama ang pagmamahal ng Ama.

Sa Iyong kabanalan biyaya Mo ay nakamtan
Sa Iyo ay may kagalakan at buhay na walang hanggan.

Tunay Kang maginoo namalas ko sa kalbaryo
Buhay man inalay Mo O! Kristo upang maligtas ang tao. 

Sumasamba, sumasamo naghahandog sa ngalan Mo
'Pagkat sa'Yo ay nadama ang pagmamahal ng Ama.

Previous Posts

Posts in our Archive