Sa Iyong Mga Yapak

Jose Cerino, Jr.
Samuel V. Guerrero

Landas na kay tinik sa Iyo’y inilaan,
bawat hakbang nito’y dusa't hirap ang laman
sa kalooban ng Ama, nagpasakop kang ganap Buhay Mo,
O Jesus ang siyang alay na sapat.

Laban sa agos ng mundo, lumakad ka sa landas Mo,
Laban sa lakad ng mundo, landas sa ‘ki’y nais Mo.
Nais Mo.

Sa Iyong mga yapak, ako ay tatahak
kahit tigib ng luha ang nilakaran mong landas.
Pasakit man at dusang dulot ng mundo’y kamtan
bawat bakas ng Iyong nga yapak,
bawat hakbang Mo’y aking susundan.

Kay hirap mang gawin kalooban Mo’y tupdin
pinili kong sundan bakas ng 'Yong mga hakbang.
Ang buhay ko’y laan sa Iyo kailan pa man
maglilingkod sa ‘Yo, Panginoon hanggang wakas.

Laban sa agos ng mundo lumakad ka sa landas Mo,
Laban sa lakad ng mundo, landas sa ‘ki’y nais Mo.
Nais mo.

Sa Iyong mga yapak ako ay tatahak
kahit tigib ng luha, ang nilakaran mong landas.
Pasakit man at dusang dulot ng mundo’y kamtan;
bawat bakas ng Iyong nga yapak,
bawat hakbang Mo’y aking susundan.

Sa Iyong mga yapak ako ay tatahak
kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong landas.
Pasakit at dusang dulot ng mundo’y kamtan,
bawat bakas ng Iyong mga yapak,
bawat hakbang Mo’y aking susundan.

Hesus na Hain ng Diyos

 Rolando Tinio

1. Hesus na hain ng Diyos 
Nang bawat sala'y matubos
Tulutang mabigyang gamot.
Ang puso kong hari ng damot. 
Ang paghihirap ng dukha
At sinumang dinuduhagi
Pagkat s'yang hirap Moy parating
Mapagmasdan sa 'Yong mukha.

2. Hesus na sugo ng Diyos
Upang maysala'y matubos
Imulat Mo'ng aking mata
Sa tunay kong pagkakasala
Pagkat nilimot kong lubha
Ang dinanaangat sa hapis,
At kung mayro'n nang naihagis, 
Pispis ng pagari dukha.

3. Hesus na batis ng Diyos
At nang biyaya'y mabulos,
Tulungan Mong mahanggahan
Pangarap kong lakas at yaman.
Dinggin, Poon, yaring sumpa
Katarungan ay hahanapin.
Di hahayaang pagdusahin
Ang 'Yong sinisintang dukha.

Previous Posts

Posts in our Archive