Ang Panginoon ang aking Tanglaw: Salmo 27

Fr. Rey Magnaye

Koro:
Ang Panginoon ang aking tanglaw
Sa panganib, ako'y iingatan
Kanino ako masisindak, matatakot
Kung ako'y laging nasa piling Niya

O Diyos, pakinggan Mo ang aking tawag
At sa aki'y maawa't mahabag,
Buhay ko ma'y pagtangkaan,
Buhay ko ma'y pagbantaan,
Sa 'Yo pa rin magtitiwala kailanman

O Diyos, sana'y pahintulutang
Mamalagi sa banal Mong harapan
Ang tinig Mo'y mapakinggan,
Ang himig Mo'y maramdaman
Kadakilaan Mo't ganda'y masaksihan

Kanino ako masisindak, matatakot
Kung ako'y laging nasa piling niya

Ama Kong Mahal

 Fr. Arnel Aquino, SJ

Koro:
Ang Panginoon ang kaligtasan ko
O, Ama, Ikaw ang aking ilaw magpakailanman

I
Walang ikatatakot ang aking buhay
Amang mapag-aruga ang aking takbuhan
Maging ang karimlan ma'y magbadya ng sindak
Kapiling ko ang Ama kong mahal

II
Ako ma'y pagtangkaan nilang ilayo sa Iyo
Pagbantaan man akong bihagi't hamakin
Ikaw ang magkakalas ng puso kong gapos
Kalasag ko ang Ama kong mahal

III
Ang 'Yong pananahan sa aba kong puso,
Mukha Mong maamo at tinig Mong kay tamis
Ay hanap-hanap ko saan man maghantong
Tahanan ko ang Ama kong mahal

Koda:
Ang Panginoon ang kaligtasan ko
Oh, Ama, Ikaw ang aking ilaw magpakailanman
Ang Panginoon ang kaligtasan ko
Oh, Ama, Ikaw ang aking ilaw magpakailanman

Previous Posts

Posts in our Archive