Panginoon halina't pumarito ka

Ferdz Bautista

O kay gulo na nga ng mundo
Hirap sakuna at lungkot
Kaya sama sama tayong manalangin
Dahil darating na ang Pasko

Panginoon halina at pumarito ka
Sagipin ang bayang
Ikaw ang pagasa
Gabay ng mga mahihirap
Panginoon iligtas mo ang ‘Yong bayan

Di ba’t kay saya dapat ng Pasko
Kung bawat pamilya ay buo
Kaya’t idalangin natin ang bawat tahanan
bago sumapit ang Pasko.

No comments:

Post a Comment