Panginoon maligayang bati sayo

 Ferdz M. Bautista

Ilang pasko na ba ang nagdaan
Kay rami na ng iyong natanggap
Ngunit nais kong ipaalala sa inyo
na ang pasko'y kaarawan ni Kristo

Panginoon maligayang bati sa'yo
handog ko ang aking puso
Sa pagmamahal ay dalisayin mo
Upang maging katulad ng sa'yo

Palamuti't mga krismas tree
Mga tahana'y nagdiriwang muli
Ngunit may'ron bang isang sabsaban
kung saan na'ron si Kristong dahilan ng pasko.

Previous Posts

Posts in our Archive