Bill Kevin Del Rosario
Panginoong Diyos Ama aming handog ngayon
Ang alak at tinapay dala sa altar Mo
Pati puso nami't isip tinataas sa 'Yo
habang hinihintay kami kay Kristong darating
Itong alak at tinapay pabanalin at basbasan
upang maging si Kristong tunay kapayapaan
ang taglay manahan sa aming buhay.
Buksan aming puso't isipan hugasan aming karumhan
nang ang Haring nagtatagumpay kadakilaan ang taglay
makapasok nang lubusan
Panginoong Diyos Ama aming handog ngayon
Ang alak at tinapay dala sa altar Mo
Pati puso nami't isip tinataas sa 'Yo
habang hinihintay kami kay Kristong darating
habang hinihintay kami kay Kristong darating.
Ang Korderong Inialay
Ferdz M. Bautista
Ang korderong inialay ay marapat paghandugan
ng kadakilaat dangal pagkilala't pagpupugay
Siya'y Haring walang hanggan
Umawit sa kagalakan ang lahat ng manga bansa
Ang Panginoon ay paglingkuran
Siya'y purihin magpakailanman
Christus Vincit Christus regnat!
Christus Christus imperat!

Subscribe to:
Posts (Atom)