Kabigan, Kapanalig

Ang atas ko sa inyo,
mga kaibigan ko
At mag mahalan kayo,
tulad ng pagmamahal ko sa inyo.

May hihigit pa kayang dakila,
Sa pagibig na laang
ialay ang buhay,
alang- alang sa kaibigan?
Kayo ang kaibigan ko,
Kung matutupad ninyo
Ang iniaatas ko
Kayo'y di na alipin,
Kundi kaibigan ko.

Lahat ng mula sa Ama'y,
Nalahad ko na sa inyo.
Kayo'y hinirang ko,
Di ako ang hinirang n'yo
Loob kong humayo kayo
At magbunga nang ibayo.
Ito nga ang syang utos ko,
Na bilin ko sa inyo:
MAGMAHALAN KAYO!
MAGMAHALAN KAYO!

Isang Bansa

EP Hontiveros, TM Ofrasio

Oh kay ganda ng ating buhay
Napupuspos ng pagpapala
Ng sakramentong mahiwaga
Kaloob ni Hesus sa’ting Gabay

Oh kay tamis ng pagsasama
Nagmumula sa pagkakaisa
Bumubukal sa pagsasalo
Sa iisang hapag ay dumalo

Purihin si Hesus sa sakramento
Purihin ng lahat ng tao
Purihin siya ng Pilipino
Sa pagkakaisa’y lingapin mo

Previous Posts

Posts in our Archive