O Hesus, Hilumin Mo

Manoling Francisco, SJ

Koro:
O Hesus, hilumin Mo aking sugatang puso.
Nang aking mahango kapwa kong kasim-bigo.

Hapis at pait, Iyong patamisin.
At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit.

Aking sugatang diwa't katawan,
Ay gawing daan ng 'Yong kaligtasan.

O Diyos, Iniibig Kita

Francisco Soc Rodrigo - Eddie Hontiveros, SJ

O Diyos, iniibig, iniibig Kita; hindi dahil lamang sa 'king pagasa
Na aking makamtan ang langit kong pita
At 'di rin dahilan sa aking pangamba, na kapag Ikaw ay hindi ko sinita
Ay apoy ang aking kakamting parusa.

O Hesus, narito ang dahilang tunay, na aking pag-ibig na lubhang dalisay.
Dahil sa sala ko, buhay Mo ay inalay,
Sa Krus nang mahapdi't dustang pagkamatay;
tiniis Mo'y pako, sibat at paghalay.
Pawis, kirot, sakit na walang kapantay.

Tunay na marapat na Kita'y mahalin,
O Hesus, na lubhang nagmamahal sa akin:
'Di dahil sa langit na 'king mithiin, o takot sa apoy na lubhang malagim.

Di dahil sa gawad na nais kong kamtin, hindi dahil dito Kita iibigin.
Kung paanong ako ay iniibig Mo, gayon din ang aking pag-ibig sa'Yo.
Ang tanging dahilan ng lahat ng ito ay pagkat Hari Ka,
At tunay na Dios ko. Tunay na Dios ko!

Previous Posts

Posts in our Archive