Francisco Soc Rodrigo - Eddie Hontiveros, SJ
O Diyos, iniibig, iniibig Kita; hindi dahil lamang sa 'king pagasa
Na aking makamtan ang langit kong pita
At 'di rin dahilan sa aking pangamba, na kapag Ikaw ay hindi ko sinita
Ay apoy ang aking kakamting parusa.
O Hesus, narito ang dahilang tunay, na aking pag-ibig na lubhang dalisay.
Dahil sa sala ko, buhay Mo ay inalay,
Sa Krus nang mahapdi't dustang pagkamatay;
tiniis Mo'y pako, sibat at paghalay.
Pawis, kirot, sakit na walang kapantay.
Tunay na marapat na Kita'y mahalin,
O Hesus, na lubhang nagmamahal sa akin:
'Di dahil sa langit na 'king mithiin, o takot sa apoy na lubhang malagim.
Di dahil sa gawad na nais kong kamtin, hindi dahil dito Kita iibigin.
Kung paanong ako ay iniibig Mo, gayon din ang aking pag-ibig sa'Yo.
Ang tanging dahilan ng lahat ng ito ay pagkat Hari Ka,
At tunay na Dios ko. Tunay na Dios ko!
Hi, "Jimser" paki-wasto lang ang mga titik.
ReplyDeleteDapat "sininta", hindi "sinita".
Dapat "ng aking pag-ibig na lubhang ....", hindi "na aking pag-ibig na lubhang . . . ."
Hi uli, Jimser, si Fr. Victor de Jesus, SJ po ako. Ang lumikha ng mga titik (lyrics) ng kantang ito ay hindi si Senador Soc Rodrigo kundi si Fr. Albert Eduave Alejo, SJ. Tiyak ko ito. Personal ko pong nakita ang texto ng isinulat ni Fr. Alejo. Please edit your post. Thanks. God bless you.
ReplyDeleteOops, nalito yata ako. Iyon palang "Likhain mong Muli" ang naisip ko. Mukhang tama nga ang naisulat mo Jimser na may-akda ng mga titik. Si Sen. Francisco "Soc" Rodrigo.
DeleteHindi mo pa rin nababago ang "sinita". Ang tamang kataga ay "sininta."
ReplyDelete