Minamahal Mo ang Lahat

Rev. Msgr. Simeon R. Reginio

1. Minamahal Mo ang lahat O Panginoon
Pagkat Ikaw ang Maylikha sa aming buhay
Di Mo kinamuhian ang lahat ng Iyong kinapal
Bagkus Mong ibinigay ang Bugtong Mong Anak

2. Nilingap Mo kaming abang makasalanan
Nilinis Mo ang kaluluwa at pinagyaman
Pinatawad Mo ang lahat sa kamatayan ng anak
Kaligtasa'y naganap na Iyong hinangad

3. Nadarama naming lahat o Panginoon
Pagibig Mo't pagmamahal laging dalisay
Sa dambana ng yong anak kalooban Mo'y nahayag
Pagsinta Mo ay wagas Kabanalang likas

Ang Tawag Niya

Timoteo Jose M. Ofrasio, SJ
Eduardo P. Hontiveros, SJ

Ang tawag N'ya'y maririnig
ng bawat pusong umiibig sa matuwid.
Ang tawag N'ya'y 'sang paanyayang 
katarunga'y panindigan.

Sa tawag N'yay ay sumunod, 
tulad ni Kristong paghahandog ay malugod.
Kailangan ay paglimot nang ganap
sa sarili nating hanap.

Ang tawag N'ya ay kaloob sa bawat taong
nagnanais na maghandog.
Ng buhay N'ya upang gugulin
sa kapwang dapat mahalin.

Sa tawag N'ya ay may paghamon 
na tanggihan ang sariling nasa ng loob.
Kailangan ay lubos na paglimot
sa hilig nating masunod.

Kailangan ay lubos na paglimot
sa hilig nating masunod.

Previous Posts

Posts in our Archive