Isang Pananampalataya

Isang pananampalataya,isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

Habilin ni Hesus noong Siya'y lumisan
Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan

Ama pakinggan mo ang aming panalangin
Dalisay na pagibig sa ami'y lumapit.

Mga alagad ko pa’no makikilala?
Tapat nilang pag-ibig wala nang iba pa

Kaya nga, O Ama, sana’y Iyong hawian,
Ang aming mga puso ng mga alitan.

1 comment:

  1. bakit po wala ng download files option ang page na ito, baka pwede pong ipost nyo ulit kung pwede

    ReplyDelete