Albert E. Alejo, SJ
Eduardo P. Hontiveros, SJ
O Mahal na Puso, O loob ng Diyos,
Kapintig ng bayan ang iyong tibok.
Puso ko'y pukawin, hanggang kumilos,
Magpasya't mangatawang ibigin ang krus.
Koro:
At managot sa kapwa na mahal sa'Yo
Nang buo kong buhay, nang buong kaluluwa,
Nang buo kong isip, nang buong lakas,
Kahit kamatayan aking malasap.
O Mahal na Puso ng butihing Diyos,
Batis ng pagibig sa kapwang kapos.
Tao'y 'Yong hinanap nang 'Yong matubos.
Sana'y matularan Ka sa paglilingkod.
Koro:
At managot sa kapwa na mahal sa'Yo
Nang buo kong buhay, nang buong kaluluwa
Nang buo kong isip, nang buong lakas,
Kahit kamatayan aking malasap.