Pagbabalik-Loob

Timoteo Jose M. Ofrasio, SJ
Eduardo P. Hontiveros, SJ

1. Masdan Mo O Diyos ang lingkod mo
na nagbabalik loob sa Iyo
Bagamat di marapat ay dumudulog Sa’yo
Upang makamtan ang awa Mo

Koro: 
Ang diwa ko’y naninimdim kung malayo Sa’yo
Ang puso ko'y namimighati kung mawalay Sa’yo
Kailan ko pa kaya matitikman ang awa Mo
Kailan tatamuhin ang patawad Mo

2. Kay tagal kong nalayo Sa’yo
At kay dami ng taong sinaktan ko
At ang siyang iniisip ko ay kaginhawahan ko
Pininid sa kapwa puso ko

3. Kaya nga O Diyos kalugdan Mo
Ang pagbabalik loob sa iyo
Diwa ko'y linisin Mo
Puso ko ay buksan Mo
Upang matugunan tawag Mo

Minamahal Mo ang Lahat

Rev. Msgr. Simeon R. Reginio

1. Minamahal Mo ang lahat O Panginoon
Pagkat Ikaw ang Maylikha sa aming buhay
Di Mo kinamuhian ang lahat ng Iyong kinapal
Bagkus Mong ibinigay ang Bugtong Mong Anak

2. Nilingap Mo kaming abang makasalanan
Nilinis Mo ang kaluluwa at pinagyaman
Pinatawad Mo ang lahat sa kamatayan ng anak
Kaligtasa'y naganap na Iyong hinangad

3. Nadarama naming lahat o Panginoon
Pagibig Mo't pagmamahal laging dalisay
Sa dambana ng yong anak kalooban Mo'y nahayag
Pagsinta Mo ay wagas Kabanalang likas

Previous Posts

Posts in our Archive