Likhain mong muli

Titik ni Alberto Alejo, S.J.
Musika ni Manoling Francisco, S.J.

Ilikha Mo kami ng isang bagong puso,
Hugasan ang kamay na basa ng dugo,
Linisin ang diwang sa halay ay puno;
Ilikha Mo kami ng 'sang bagong puso.

Itindig Mo kami, kaming Iyong bansa,
Akayin sa landas patungo sa kapwa,
Ihatid sa piging na 'Yong inihanda
Itindig Mo kami, kaming Iyong bansa,

Amang Diyos, 'Yong baguhin ang tao't daigdig
Sa banal na takot, sambang nanginginig
Ibalik ang puso't bayang nanlalamig
Likhain Mong muli kami sa pag-ibig.

No comments:

Post a Comment