Natutulog ba ang Diyos

Bakit kaya? Bakit ka ba naghihintay?
Na himukin pa, pilitin ka ng tadhana?
Alam mo na kung bakit ka nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo,
At ang binubulong ng ‘yong puso,
Natutulog pa ang Diyos, natutulog ba?


At ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan ang iyong tapang?
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa,
Natutulog pa ang Diyos, natutulog ba?


Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro’ng halaga sa Kanya


Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin pa ang tadhana?
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos na umalalay sa ‘yo
Hinihintay ka lang, kaibigan.

Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro’ng halaga sa Kanya

No comments:

Post a Comment