Bayan na aking lalang sadlak sa kadiliman
Sigaw ay kaligtasan ‘yong pakinggan
Tala sa kadiliman lalang ng aking kamayIlaw ko’y itatanglaw sa ‘king bayan
Narito ako, Panginoon, narinig ko ang panawagan mo
Narito ako, Panginoon, lilingapin ko ang bayan mo.
Sa luha ng aking bayan, ang puso ko ay nasaktan
Aking dugo ay inalay, tinanggihan!
Bato man ang iyong puso sa pag-ibig iguguho
Ang wika ng aking puso: isusugo!
Narito ako, Panginoon, narinig ko ang panawagan mo
Narito ako, Panginoon, lilingapin ko ang bayan mo.
Aking hapag ihahanda sa dukha at nasalanta
Sa piling ko’y titipunin, aangkinin
Pagkain na masagana sa puso ay inihanda
Sino ba ang magtataglay aking buhay?
Narito ako, Panginoon, narinig ko ang panawagan mo
Narito ako, Panginoon, lilingapin ko ang bayan mo.
No comments:
Post a Comment