Naghihintay pa rin


Kailan may, di nalimutan
Kahit akala mo ika’y iniwan
Hinahanap kita, hinahanap kita
Hinintay kong sa puso’y magbalik ka
Alam kong lakas mo’y ilang hibla na lamang
Heto ang bisig ko, pagod mong puso’y ihimlay
Muli mong namnamin, tinalikurang pagtingin
Naghihintay sa ‘yo… Nagmamahal sa ‘yo…

Di ka sisisihin, di tatanungin
Sapat na para sa ‘kin, luha ng ‘yong pag amin
Naghihintay pa rin… Nagmamahal pa rin…
Bakit ba akong Diyos, lagi kang iibigin…?

Kailan may, di nalimutan
Kahit akala mo ika’y iniwan
Hinahanap kita, hinahanap kita
Hinintay kong sa puso’y magbalik ka
Alam kong lakas mo’y ilang hibla na lamang
Heto ang bisig ko, pagod mong puso’y ihimlay
Muli mong namnamin, tinalikurang pagtingin
Naghihintay sa ‘yo… Nagmamahal sa ‘yo…

Bakit pa hahanapin at hihintayin
Kung sa suliranin, ikaw ay lilisanin
Hindi kayang gawin, laban sa ‘king damdamin
Bakit ba akong Diyos, lagi kang lilingapin?

Kailan may, di nalimutan
Kahit akala mo ika’y iniwan
Hinahanap kita, hinahanap kita
Hinintay kong sa puso’y magbalik ka
Alam kong lakas mo’y ilang hibla na lamang
Heto ang bisig ko, pagod mong puso’y ihimlay
Muli mong namnamin, tinalikurang pagtingin
Naghihintay sa ‘yo… Nagmamahal sa ‘yo…

Bakit hihingin ko pag dalangin mo
Kung sa pagluhod mo ay di makikinig ako
Pintig ng puso mo, bawat isa’y nadinig ko
Dasal mo pa kayang laging hintay ng puso ko.
Kailan man… di nalimutan…

Kailan may, di nalimutan
Kahit akala mo ika’y iniwan
Hinahanap kita, hinahanap kita
Hinintay kong sa puso’y magbalik ka
Alam kong lakas mo’y ilang hibla na lamang
Heto ang bisig ko, pagod mong puso’y ihimlay
Muli mong namnamin, tinalikurang pagtingin
Naghihintay sa ‘yo… Nagmamahal sa ‘yo…

No comments:

Post a Comment