Halina't Umawit

Sa gitna ng gulo at mga problema,
Kaya mo pa bang magsaya?
Ang laging tanong ko may pag-asa pa bang
Ang lahat ay magkaisa?

Sinubukan ang iyong paraan
Ngunit kaibigan h’wag mong kalimutan
Panalangin sa Diyos ang kailangan
Tanging sa Kanya ang kasagutan.

Halina’t umawit, purihin ang Panginoon
Sa lungkot at saya, hirap at ginhawa
Dapat lagi Siya ang kasama
Tayo ay umawit, purihin ang Panginoon
At ang pag-ibig N’yang
Ay para sa atin sa bawat puso’y ating tanggapin.

O anong galak at buong sigla
Kung sa t’wina ay kapiling S’ya
Ang tanging nais ko, dalangin sa Kanya
Na maghari ang pag-ibig N’ya.

Sinubukan ang iyong paraan
Ngunit kaibigan h’wag mong kalimutan
Panalangin sa Diyos ang kailangan
Tanging sa Kanya ang kasagutan.

Halina’t umawit, purihin ang Panginoon
Sa lungkot at saya, hirap at ginhawa
Dapat lagi Siya ang kasama
Tayo ay umawit, purihin ang Panginoon
At ang pag-ibig N’yang
Ay para sa atin sa bawat puso’y ating tanggapin.

Nawa sa puso ng bawat ng bawat isa
Si Kristo ang maghari sa kanya

Halina’t umawit, purihin ang Panginoon
Sa lungkot at saya, hirap at ginhawa
Dapat lagi Siya ang kasama
Tayo ay umawit, purihin ang Panginoon
At ang pag-ibig N’yang
Ay para sa atin sa bawat puso’y ating tanggapin.

Tayo ay umawit,
Purihin ang Panginoon
At ang pag-ibig N’yang
Ay para sa atin
Sa bawat puso’y ating tanggapin.

Sa bawat puso’y ating tanggapin

No comments:

Post a Comment

Previous Posts

Posts in our Archive