Mula pa lamang sa una mong baitang
Di na mapigil and aking pag-abang
Na mula sa araw ng iyong sinimulan
Ay marating mo ang dulo niyan at katapusan.
Pagkat isa lamang ang tangi kong hangarin
Ang ikaw’y imulat sa wastong landasin
Kung kaya para sa ‘yo lahat ay gagawin
Ngunit dinggin mo sana ang tangi kong hiling.
Anak, mag-aral kang mabuti
Iyan ay para sa ‘yong sarili
Dahil diya’y mararating mo
Ang nais mong maging balang araw
Kung mag-aaral kang mabuti.
Ilang taon na ang nagdaan ngayon
Ilang pagsubok pa ang ‘yong matutungtong
Huwag ka lang palilinlang sa mundong mapagyaya
Baka kinabukasan mo pa ang siyang mapurnada
Huwag mo sanang maisipan ang tumigil
Dahil sayang kung ikaw pa ang pipigil
Habang mayro’n kang panahon at pagkakataon
Ibigin mong matutuo sa bawat ngayon.
Anak, mag-aral kang mabuti
Iyan ay para sa ‘yong sarili
Dahil diya’y mararating mo
Ang nais mong maging balang araw
Ooo balang araw
Ooo balang araw
Kung mag-aaral kang mabuti
Mag-aaral kang mabuti
Mag-aaral kang mabuti
No comments:
Post a Comment