Inang Mahal


Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan mo’y
Nahimlay ang Sanggol mong aming buhay.
Pakinggan mo at ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin.

Pag-ibig mo, Inang kay tamis,
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas

Inang mahal, huwaran ka ng pagsisilbi
Sa Diyos sa pag-akap mo kay Hesus.
Pakinggan mo ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa Kanya.

Pag-ibig mo, Inang kay tamis,
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas

No comments:

Post a Comment

Previous Posts

Posts in our Archive