Kahit hindi karapat dapat


Pangalan Mo lamang ang siyang sinasambit
Sa ‘Yong mga kamay ako’y kumakapit
Sa gitna ng kadiliman, hanap ay Ikaw
Tanging ilaw Mo ang siyang natatanaw

Sa palad Mo’y nakaukit aking pangalan
Sa puso Mo’y silid aking larawan
Kahit ilang ulit Kitang sinaktan at tinalikuran
Kailanman ay hindi Mo ako iniwan

Sa bawat sandaling ikaw ay dampian ko ng tingin
Ano’ng ligaya ang Iyong nadarama
Pati ang buhay Mo ay inalay Mo sa akin
Kahit hindi karapat-dapat ako’y inibig Mo rin
Kahit ilang ulit kitang sinaktan at tinalikuran
Kailanman ay hindi Mo ako iniwan
(Repeat)

Sa bawat sandaling ikaw ay dampian ko ng tingin
Ano’ng ligaya ang Iyong nadarama
Pati ang buhay Mo ay inalay Mo sa akin
Kahit hindi karapat-dapat
Tunay na hindi karapat-dapat
Ngunit kahit hindi karapat-dapat
Ako’y inibig Mo rin

No comments:

Post a Comment

Previous Posts

Posts in our Archive