Dito sa Bahay ko
Araw na naman ng household meeting sa ‘min
Araw na naman para makita ko
Mga kasamahang nawalay sa ‘king piling
Nang dinisiyunang ako ay maglie-low
Pa’no ba naman muntik nang malimutan
Pangako ko noong ika’y paglingkuran
Pa’no ba naman muntik ko nang Ikaw ay talikdan
Pero buo na’ng pasya kong muling magbalik sa Iyo.
Dito, dito sa bahay ko
Muling paghahariin ang kapangyarihan Mo
Dito, sa tahanang ito
Muling sisimulan ang paghahari Mo
Sa buhay ko.
Araw na naman ng mga panalangin
Araw na naman ng mga awitan
Araw na naman ng pagbabalik-loob sa Iyo
Araw na naman ng pananambitan
Kung anu-ano noon ang pinagkakaabalahan
Kung saan-saang lugar ang dinaanan
Kung sinu-sino pa ang pinagsisilbihan
Pero buo na’ng pasya kong ako’y maging Iyong-Iyo.
Dito, dito sa bahay ko
Muling paghahariin ang kapangyarihan Mo
Dito, sa tahanang ito
Muling sisimulan ang paghahari Mo
Sa buhay ko.
Dito, dito sa bahay ko
Muling paghahariin ang kapangyarihan Mo
Dito, sa tahanang ito
Muling sisimulan ang paghahari Mo
Sa buhay ko.
Muli nang bubuksan ang nakapinid na pintuan
Muli akong mag-aalay sa Iyo
Muling pagyayamanin ang hardin at ang bakuran
Habang ako’y nag-aabang sa Iyong
Pagparito, dito, dito… sa bahay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment