Simbang Gabi

Lucio San Pedro

Ikalabing-anim ng Disyembre, ikalabing-anim ng Disyembre.
Dingdong dingdong dingdong dingdong (2x)
May mga parol na nakasindi, may mga parol na nakasindi.
At ang lamig ay lubhang matindi, simula na nga ng Simbanggabi.
Simbanggabi, simbanggabi ay simula ng Pasko.

Simbanggabi'y simula ng Pasko, sa puso ng lahing Pilipino.
Siyam na gabi kaming gumigising, sa tugtog ng kampanang walang tigil.
Maaga kami kinabukasan, lalakad kaming langkay-langkay.
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay.

Lahat kami'y masayang-masaya. Busog ang tiyan at puno ang bulsa,
Hindi namin malimut-limutan, ang masarap na puto't suman,
Matutulog kami ng mahimbing. Iniisip ang Bagong Taon natin
At ang Tatlong Haring darating sa Pilipinas ay Pasko pa rin.
Maaga kami kinabukasan, lalakad kaming langkay-langkay.
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay. (Ding dong, ding dong)4x

Pasko na! Pasko na! May parol nang nagbitin,
Pasko na, Pasko na! May parol nang nagbitin.
May mga ilaw nang nagniningning (4x)

Pasko na! Pasko na! May parol nang nagbitin.
Nakikita na sa mga bituwin ang pagsilang ng Niño sa Belen. (2x)
Pasko na, Pasko na! May parol nang nagbitin.
Nakikita na sa mga bituin ang pagsilang ng Niño sa Belen. (2x)
L'walhati! L'walhati sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban! Ah!

Pasko'y Sumapit na

Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ

Pasko'y sumapit na, tayo ay magdiwang.
Purihin ang Panginoon sa ating awitan,
Gunitaing Sanggol na sumilang sa sabsaban,
Ay si Hesus ang Diyos nating tunay.

Ngayon nga ay Pasko na dapat igalang,
Magkaisa tayo sa panalangi't awitan,
Ating tupdin tunay na diwa ng kapaskuhan,
Magmahalan, magbigayan bawa't araw.

Pagkat sumilang sa daigdigan: ang Mananakop, Hari ng Kapyapaan
Siya ay Pag-ibig at katarungan, handog N'ya sa ati'y kaligtasan.

Wakas: Magmahalan, magbigayan bawat araw.

Pasko ng Paglaya

Jandi Arboleda - Manoling Francisco, SJ

Solo:
Panginoon, hanggang kailan kami magdurusa?
Panginoon, kailan sisikat, umaga ng paglaya?

Duet:
Panginoon, dumating ka na
Kupkupin kami sa 'Yong awa. Kupkupin kami sa 'Yong awa.

Narito na ang Pasko ng Paglaya, Bayan magalak sa Mabuting Balita,
Tumingala at pawiin ang luha. Narito na ang pinangakong Tala.

Iniluwal ang Sanggol ni Maria, sa Kanyang sabsaban, payak at aba.
Ating haranahin, alayan ng saya. Narito na ang Tagapagpalaya.

Koda:
"Hesus" tinawag S'ya. Hinirang ng Ama!

Narito na ang Paglaya, bayang kinumutan ng mga tanikala.
Ang ligalig ng gabi ngayon ay payapa. Narito na ang Sanggol na Mesiya.
Narito na ang Pasko ng Paglaya.  Ooh.

Pasko Na!

Onofre Pagsanhan- Norman Agatep- Jandi Arboleda - Manoling Francisco, SJ

Ako'y nagtataka sa Paskong kay lamig. Doon pa nadama init ng pag-ibig.
Sa Sanggol at Ina puso'y h'wag isara,
At sa bawa't isa puso mo'y buksan na, Buksan na!

Koro:
Pasko na! Pasko na! Tayo'y magkaisa,
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.

Ako'y nagtataka sa sabsabang payak.
Doon pa nadama dangal ng Haring Anak.
Sa Sanggol at Ina puso'y h'wag isara,
At sa bawa't isa puso mo'y buksan na, Buksan na!

Koro1:
Pasko na! Pasko na! Tayo'y magkaisa,
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.

Koro2:
Pasko na! Pasko na! Tayo'y magkaisa,
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.

Paglamig ng Hangin

Manoling Francisco, SJ

Paglamig ng hanging hatid ng Pasko nananariwa sa 'king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko, ang noche buena't simbang-gabi.

Koro:
Narito na ang Pasko, at nangungulilang puso ko
Hanap-hanap pinapangarap, init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang,
Sa sabsaban no'ng unang Pasko.

Sa pag-awit muli ng himig Pasko, nagliliyab sa paghahangad,
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko, sa ala-ala magkasama tayo.

Oyayi

Arnel Aquino, SJ

Kay lamig na ng gabi sa ilang, habang ang bituin ay nag-aabang,
Giliw ko sa’king sinapupunan, kay lapit Mo nang isilang.

Aming pakikipagsapalaran upang makahanap ng tahanan,
Abut-abot ang kaba sa dibdib kay lapit Mo sa panganib.

Koro1:
O giliw kong anak, tupad na pangarap ko,
pagsilay Mo sa ating mundo.
Maging tahanan ng mahirap, at puso Mo'y tanggulan ng aba.

Sa kapaguran ng 'Yong Amain, ang disyertong pilit n'yang bagtasin,
Animo'y walang patid ang lawak buhay nati'y kanyang hawak.

Koda:
Liwanag ng unang Pasko,
Hesus, bituin ng mundo.

Koro2:
O giliw kong anak, tupad na pangarap ko,
pagsilay Mo sa ating mundo.
Maging tahanan ng mahirap, at puso Mo'y tanggulan ng aba.

Kay lamig na ng gabi sa ilang, habang ang bituin ay nag-aabang,
Giliw ko sa’king sinapupunan, kaunting tiis na lang, tahanan nati'y daratnan.

Noong Paskong Una

Onofre Pagsanhan  Manoling Francisco, SJ

Noong Paskong una, si Mariang ina,
Sanggol n'yang kay ganda, pinaghele sa kanta.
Awit n'ya'y kay rikit, anghel doon sa langit,
Sa tamis, naakit, sumamang umawit.

Koro:
Pasko na, Pasko na, Pasko na! Sumabay, sumabay sa kanta,
Ni Mariang ina, sa Niñong kay ganda.

Mga tala't bituin, pati ihip hangin,
Nakisama na rin kay Mariang awitin:
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan.

Mga tupa't baka sa giray na kwadra
Umungol dumamba kasabay ng kanta
Pastores sa paltok sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok sa kantaha'y lumahok

Koda:
Aleluya, Aleluya, Aleluya Aleluya!
Ni Mariang Ina, sa Niñong kay ganda.
Aleluya, Aleluya!

Isang Sanggol

Fruto Ramirez, SJ

'Sang Sanggol, Anak ng Birhen, ang S'yang isinilang ngayon sa Belen.
Dulot N'ya ay Kaligtasan at Kapayapaan sa sanlibutan.

S'ya'y Prinsipe ng Kapayapaan at Tagapayo ng mga tao.
S'ya'y Maawaing Ama ng lahat, at tatawagin Siyang Emmanuel.

Tayo na't dalawin natin, sanggol sa sabsaban ating sambahin.
Sa mundo'y pinagkaloob, 'sang kahanga-hangang biyaya ng Diyos
'Sang kahanga-hangang biyaya ng Diyos.

Himig ng Hangin

Jandi Arboleda - Norman Agatep

Malamig, may nanginginig. May 'sang tinig na may ibig ipahiwatig.
Biglang-bigla sinalubong ko ang bulong nito, at ganito, makinig kayo:
Pasko na gising na mga matang pikit imulat na.

Koro:
H'wag ipinid, buksan ang bintanang hadlang sa balitang tangan:
"Si Hesus ay narito na!" Duyan-Duyan ni Maria.

Sa pag-ihip ng hangin ako'y napilitang isara muli ang bintanang
Binuksan na upang pakinggan mga umaawit sa buong kalangitan.
Ngunit Pasko na naman 'di ba? Ang ginaw ay kalimutan na.

Koda:
"Si Hesus ay narito na!" Duyan-duyan ni Maria
Aleluya...
Ooh... Ah... Ooh...

Gumising

Onofre Pagsanhan - Manoling Francisco, SJ

Koro:
Gumising, gumising, mga nahihimbing!
Tala'y nagniningning.
Pasko na! Gumising!

Kampana't kuliling, kumalembang: Kling-kling.
Ang Niño'y darating sa Belen pa galing.

Kahit puso'y himbing, masdan masasaling.
Niño'y naglalambing sa Inang kay ningning.

Puso'y masasaling luha ang pupuwing.
Mag-inang kay lambing, puso mo ang hiling.

Wakas:
Gumising, gumising, mga nahihimbing!
Tala'y nagnining-ning, Pasko na!
Gumising! kling-kling, kling-kling.

Emmanuel

George Gozum - Manoling Francisco, SJ

Isang dalaga'y maglilihi, batang lalaki ang Sanggol,
Tatawagin S'yang "Emmanuel."

Magalak! Isinilang Poon, sa sabsaban S'ya'y nakahimlay.
Nagpahayag ang mga anghel, "Luwalhati sa Diyos."

Isang dalaga'y maglilihi, batang lalaki ang Sanggol,
Tatawagin S'yang "Emmanuel, Emmanuel."

Isang dalaga'y maglilihi, batang lalaki ang Sanggol,
Tatawagin S'yang "Emmanuel, Emmanuel." Kahuluga'y:
"Nasa atin ang D'yos." "Nasa atin ang D'yos." "Nasa atin ang D'yos!"

Bituin

Arnel Aquino, SJ

Sa isang mapayapang gabi, kuminang ang marikit na bitwin,
At tumanod sa himbing na pastulan, nag-abang.
Pagkagising ng maralita, nabighani sa bagong Tala.
Naglakad, at tinungo sabsabang aba.

Koro:
Hesus, bugtong na Anak ng Ama.
Tala ng aming buhay.
Liwanag, Kapayapaan, Kahinahunan.
Kapanatagan ng puso. Giliw ng Diyos
At pag-asa ng maralita ng abang ulila.
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo,
Nang magningning bilang 'Yong mga bitwin.

Sa isang pusong mapagtiis, kuminang ang marikit na bitwin,
At doo'y nanatiling nag-alab, nagningning.
Taimtim nating kalooban, ginawa Niyang Kanyang himlayan,
Dalanginan, nilikha Niyang sabsabang aba.

Ang Pasko ay Sumapit

Vicente Rubi - Levi Celerio

Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig, dahil sa Diyos ay pag-ibig;
Nang si Kristo’y isilang, may tatlong haring nagsidalaw,
At ang bawat isa ay nagsipaghandog ng tanging alay.

Bagong taon ay magbagong-buhay, nang lumigaya ang ating bayan,
Tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan.

Tayo’y mangagsi-awit, habang ang mundo’y tahimik,
Ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit.
Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral,
At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan!

Wakas: At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan!

Ang Diyos na Sanggol

Eddie Hontiveros, SJ

Masdan n'yo ang Sanggol sa S'yang Hari sa bayan ng Diyos.
Siya'y Pastol ng mundo, at Korderong ihain sa krus.
Ang Ina N'yang Birhen ay s'yang Reyna ng mga anghel.
Sa kanyang paligid, mga hayop dito sa Belen, Belen.

Koro:
Atin S'yang dalawin, buong puso nating ibigin,
Ihanda at dalhin ang alay ng buong buhay natin.

Dinalaw ang Sanggol ng mga mabababang pastol.
Sa Kanya, 'nihandog ang pag-ibig ng kan'lang puso.
Ang awit ng anghel: Papuri sa Diyos ng Israel!
Kanyang kaligtasan, sa mga naligaw sa daan, daan.

The King of Glory

Willard Jabusch

Ref:
The King of Glory comes, the nation rejoices.
Open the gates before Him, lift up your voices.

Who is the King of glory, how shall we call Him?
He is Emmanuel, the Promised of ages.

In all of Galilee, in city or village,
He goes among His people, curing their illness.

He gave His life for us, the pledge of salvation,
He took upon Himself the sins of the nation.

He conquered sin and death, He truly has risen.
And He will share with us His heavenly vision.

The Face of God

Manoling Francisco, SJ

To see the face of God is my heart's desire.
To gaze upon the Lord is my one desire.

For God so loved the world,
He gave His Son, His only begotten Son,.

And they shall call Him Emmanuel,
The Prince of Peace, the Hope of all the world.

Descant: Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!

Patience, People

John Foley, SJ

Ref:
Patience, people, till the Lord is come.

See the farmer await the yield of the soil,
He watches it in winter and in spring rain.

You have seen the purpose of the Lord.
You know His compassion and His mercy.

Steady your hearts, for the Lord is close at hand.
And do no grumble, one against the other.

Ref2:
Patience, people, for the Lord is coming.

O Come, O Come Emmanuel

O come, O come, Emmanuel, and ransom captive Israel,
That mourns in lonely exile here, until the Son of God appear.

Ref:
Rejoice, rejoice, O Israel. To thee shall come "Emmanuel".

O Come, Thou Wisdom, from on high and order all things far and high
To us the path of knowledge show, and teach us in Her ways to go.

O come, O come, Thou Lord of might who to Thy tribes on Sinai's height
In ancient time did give the law in cloud and majesty and awe.

O come, Thou rod of Jesse's stem, from every foe deliver them
That trust Thy mighty power to save and give them vic'try o'er the grave.

O come, Thou key of David, come, and open wide our heav'nly home.
Make safe the way that leads on high, that we no more have cause to sigh.

O come, Thou Dayspring from on high, and cheer us by Thy drawing nigh;
Disperse the gloomy clouds of night, death's dark shadow put to flight.

O come, Desire of Nations, bind in one the hearts of all humankind;
Bid every strife and quarrel cease, and fill the world with heaven's peace.

O Come, Divine Messiah

O come, Divine Messiah, the world in silence waits the day.
When hope shall sing its triumph, and sadness flee away.

Ref:
Sweet Savior haste; Come, come to earth;
Dispel the night and show Thy face,
And bid us hail the dawn of grace.

Thou'll come in peace and meekness, and lowly will Thy cradle be
As veiled in human weakness, Thy majesty we shall see.

Let the Valleys be Raised

Dan Schutte

Ref:
Let the valleys be raised and the mountains made low.
Ev'ry meadow and field overturn.
Make the pathway straight and the highway run smooth
For the coming of God in our day.

God has come to His people, as He promised of old.
He has raised up a Savior, in the sight of us all.

You, little child, go before Him, like the prophets of old.
Bringing news of His coming, by the mercy of God.

God has come like morning, on the darkness of night,
As a light to the people, like the breaking of day.

A Time Will Come for Singing

Dan Schutte

A time will come for singing when all your tears are shed,
When sorrows, chains are broken, and broken hearts shall mend.
The deaf will hear you singing when silent tongues are freed.
The lame will join your dancing when blind eyes learn to see.

A time will come for singing when trees will raise their boughs,
When men lay down their armor, and hammer their swords into plows,
When beggars live as princes and orphans find their homes,
When prison cells are emptied and hatred has grown old.

A time will come for singing a hymn by hearts foretold.
That kings have sought for ages, and treasured more than gold.
Its lyrics turn to silver when sung in harmony.
The Lord of Love will teach us to sing its melody.

Pamaskong Anyaya

Norman Agatep

Koro:
Maghintay sa pagsilang ng Kamahal -mahalan!
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan!
Pagtunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan,
Anyayahan sa puso't isip S'yang huwaran!

Do'n sa silangan Niya, tanawin t'wina,
Halimbawa ng payak na buhay.
Ating iwasan ang pagnanasang lahat ay kamtin,
Buhay Niya ang mithiin.
Papayapa ang mundo kung tayo'y magbago't

Do'n sa silangan Niya, tanawin t'wina,
Ang pasakit ng Kristong sumapit.
Sa karukhaa'y nagmula'ng Magandang Balita ng Diyos,
Bugtong na Anak ng Diyos.
Hindi mo man mahigtan, sarili'y ihanda't

Anyayahan sa puso't isip S'yang huwaran!

Kalimita'y nalulunod tayo sa rangya
Ng paghahanda sa araw ng sangnilikha.
Kung babalik tayo sa pinagmulan Niya.
Higit na makabuluhan ang pagdiriwang

Maghintay sa pagsilang ng Kamahal -mahalan!
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan!
Pagtunggali'y kalimutan
Pagmamaramot ay talikdan,
Anyayahan sa puso't isip S'yang huwaran!
Anyayahan sa puso't isip S'yang huwaran!
Huwaran!....Oohh.

Panginoon, Masdan Mo

Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ

Panginoon, masdan Mo ang bayang sa 'Yo'y naghihintay.
Naghihirap, tigib ng sindak at alipin ng kasalanan.

Panginoon, dinggin Mo ang karaingan ng 'Yong bayan.
Umaasa sa 'Yong pagdating at sa dulot Mong kaligtasan.

O kay tagal naghintay ng 'Yong bayan sa 'Yong pagdatal.
O kay tagal inasam: Kaganapan ng 'Yong kaharian.

Panginoon, lingapin Mo bayang sa 'Yo'y umaasa.
Iligtas Mo kami't marapating sa Kaharia'y isama

Panginoon, Hanggang Kailan?

Danny Isidro, SJ - Fruto Ramirez, SJ

Koro:
Panginoon, hanggang kailan kami sa Iyo'y maghihintay?
Halika na, magbalik Ka! Pangako Mo'y tudin Mo na.

Sa sandali ng kasayahan, panahon ng kasaganahan,
Ika'y pinasasalamatan, biyayang dulot Mo'y walang hanggan.

Sa sandali ng kasawian, panahon ng kahirapan,
Ika'y aming tinatawagan, Poon, kami'y h'wag Mong pabayaan.

Panginoon, sa pagbabalik Mo, kaming 'Yong bayan ay daratnan Mo.
May pananalig, tapat sa'Yo; sinisikap sundan ang loob Mo.

Halina, O Hesus

Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ

Naghihintay kami sa Iyong pagbalik.
Gabi at araw, kami'y nananabik.
Ginapi ng sala, ng dusa at sakit,
Hesus, hanggang kailan, kami magtitiis?

Koro:
Halina, O Hesus, na Mananakop,
Ang Iyong bayan, palayain Mong lubos.

Inaasam namin; ang Iyong pagdatal.
Ang paghahari Mo'y aming hinihintay;
Hesus, hangad nami'y liwanag Mong tunay
Na S'ya naming tanglaw sa landas ng buhay.

Halina, Hesus, Aming Mananakop

Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ

Halina, Hesus, aming Manankop, dusa ng "Yong bayan, masda't abut-abot,
Sa pag-ibig, salat; katarunga'y kapos. Tangi Kang pag-asa, O Hesus.

Halina, Hesus, aming Mananakop, awa Mo't biyaya sa ami'y ipaabot.
Pag-ibig Kang tunay, katarungang lubos. Tangi Kang pag-asa, O Hesus.

Halina, Hesus, aming Mananakop, kaming Iyong bayan, bigyang lakas-loob.
Hinihintay naming, pagdating Mong puspos.
Tangi Kang pag-asa, O Hesus! O Hesus!

Halina, Hesus

Rene Javellana, SJ- Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Halina, Hesus, halina! Halina, Hesus, halina!

Sa simula isinaloob Mo, O Diyos, kaligtasan ng tao;
Sa takdang panahon ay tinawag Mo: isang bayang lingkod sa Iyo.

Gabay ng Iyong bayang hinirang, ang pag-asa sa Iyong Mesiya;
"Emmanuel" ang pangalang bigay sa Kanya: "Nasa atin ang D'yos sa tuwina."

Isinilang S'ya ni Maria, Birheng tangi, Hiyas ng Hudea;
At "Hesus" ang pangalang bigay sa Kanya: "Aming D'yos ay tagapag-adya."

Darating muli sa takdang araw, upang tanang tao'y tawagin,
At sa puso Mo, aming Ama'y bigkisin, sa pag-ibig na 'di mamaliw.

Previous Posts

Posts in our Archive