Lucio San Pedro
Ikalabing-anim ng Disyembre, ikalabing-anim ng Disyembre.
Dingdong dingdong dingdong dingdong (2x)
May mga parol na nakasindi, may mga parol na nakasindi.
At ang lamig ay lubhang matindi, simula na nga ng Simbanggabi.
Simbanggabi, simbanggabi ay simula ng Pasko.
Simbanggabi'y simula ng Pasko, sa puso ng lahing Pilipino.
Siyam na gabi kaming gumigising, sa tugtog ng kampanang walang tigil.
Maaga kami kinabukasan, lalakad kaming langkay-langkay.
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay.
Lahat kami'y masayang-masaya. Busog ang tiyan at puno ang bulsa,
Hindi namin malimut-limutan, ang masarap na puto't suman,
Matutulog kami ng mahimbing. Iniisip ang Bagong Taon natin
At ang Tatlong Haring darating sa Pilipinas ay Pasko pa rin.
Maaga kami kinabukasan, lalakad kaming langkay-langkay.
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay. (Ding dong, ding dong)4x
Pasko na! Pasko na! May parol nang nagbitin,
Pasko na, Pasko na! May parol nang nagbitin.
May mga ilaw nang nagniningning (4x)
Pasko na! Pasko na! May parol nang nagbitin.
Nakikita na sa mga bituwin ang pagsilang ng Niño sa Belen. (2x)
Pasko na, Pasko na! May parol nang nagbitin.
Nakikita na sa mga bituin ang pagsilang ng Niño sa Belen. (2x)
L'walhati! L'walhati sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban! Ah!
Hello good afternoon po, tanong ko lang, bakit nawala yung mga music sheets for download? Kailangan kase po namin sa choir. Sa mga previous dito ako nka download. Pero ngayon nawala. Please pwede ibalik yun. Maraming salamat at God Bless.
ReplyDeleteCopyrighted po.
ReplyDelete