Onofre Pagsanhan Manoling Francisco, SJ
Noong Paskong una, si Mariang ina,
Sanggol n'yang kay ganda, pinaghele sa kanta.
Awit n'ya'y kay rikit, anghel doon sa langit,
Sa tamis, naakit, sumamang umawit.
Koro:
Pasko na, Pasko na, Pasko na! Sumabay, sumabay sa kanta,
Ni Mariang ina, sa Niñong kay ganda.
Mga tala't bituin, pati ihip hangin,
Nakisama na rin kay Mariang awitin:
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan.
Mga tupa't baka sa giray na kwadra
Umungol dumamba kasabay ng kanta
Pastores sa paltok sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok sa kantaha'y lumahok
Koda:
Aleluya, Aleluya, Aleluya Aleluya!
Ni Mariang Ina, sa Niñong kay ganda.
Aleluya, Aleluya!
No comments:
Post a Comment