Sa Diyos lamang mapapanatag

Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa,
Sa Kanya nagmumula ng aking pag-asa at kaligtasan.

O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan, nasa 'Yo aking kalwalhatian.
Ikaw lamang, aking inaasahan: ang aking moog at tanggulan.

Paniniil di ko pananaligan, puso'y 'di ihihilig sa yaman.
Kundi sa Diyos na makapangyarihan, na aking lakas at takbuhan.

Poon, Ika'y puno ng kabutihan, Pastol Kang nagmamahal sa kawan.
Inaakay sa luntiang pastulan, tupa'y hanap Mo kung mawaglit man.

IESU, PANIS VITAE Papal Visit 2015

Lyrics: Rene Javellana, SJ
Music: Manoling Francisco, SJ

Refrain
Iesu, Panis vitae, Donum Patris.
Iesu, Fons vitae, Fons vitae acquae.
Cibus et potus noster,
cibus et potus noster
in itinere, in itinere
ad domus Dei.

1. (Tagalog) Mula sa lupa sumibol Kang masigla. Matapos Kang yurakan ng mga masasama, sumilang ang liwanag ng mga nawawala.
Tinapay ng- buhay, Pagkain ng dukha.

2. (Cebuano) Gikan sa binlud usa Ka,
Tinapay nga bunga sa among buhat ug kabudlay.
Hinaut maghiusa kami sama niining.
Tinapay tiguma kami, Hesus, among Ginuong tunhay.

3. (English) Jesus, Food divine
be our strength each day
so we don’t tire as we witness to Your love and care to those in greater need, both near and far away, may we lead them back to You, all those who’ve gone astray.

4. (Hiligaynon) Dalon namong Imong balaang pulong mangalagay kag tudlo Mong matarong Kahayag sang Espiritu sang kamatuoran suganga mapawa sa among dalan.

Alay sa Diyos papal visit 2015

Himig Fr. Manoling V. Francisco, SJ
Titik Fr. Timoteo Jose M. Ofrasio, SJ

O Diyos! awang di mabilang tanggapin mo yaring aming alay
Gawin ito bilang tanda ng aming kaligtasan

Narito O Ama alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

O Diyos! awang di mabilang tanggapin mo yaring aming alay
Gawing alaala ng pagkamatay muling pagkabuhay ni Hesukristo

O Diyos! awang di mabilang tanggapin mo yaring aming alay
Sa bisa nitong sakrispyo
Mapasaamin ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos papal visit 2015

Kordero ng Diyos na nagaalis ng mga kasalan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin
Kordero sa Diyos nga nagawagtang sa mga sala sa kalibutan
Kaloy-i kami

Agnus dei qui tolis peccata mundi
Dona nobis pacem
Dona nobis pacem
Dona nobis pacem.

Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay,para sa sarili lamang.
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang.

Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya.

Sa ating pag mamahalan at paglilingkod sa kanino man.
Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan.

Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa.
Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak.

Panginoon Patawad ang Iyong Bayan

Ang tao'y hindi lamang
sa tinapay nabubuhay
bagkus pati sa mga salitang
nagmumula sa Panginoon

Magsisi tayong mataos
halina't magbalik loob
sa mapagpatawad na Diyos
gutom tayong manikluhod
ng may abot sakong suot

Sa pagitan ng pasukan
at dambana ng simbahan
Saserdote ay magiyakan
Panginoon Iyong bigyan
ng patawad ang 'Yong bayan.

Munting alay

We bring unto your table with
humble hearts O Lord the bread
and wine the fruits of the land and
of the vine transformed beneath
the hands of your chosen priest                  
behold we shall receive with open
hearts eternal life bestowed.

Gathered now your people
Bringing gifts to thee let
us give you worship for your
sacred Feast continuously
we sing you our praise on bended
knees we give you thanks revere
you for your generosity.

Hidden God devoutly I adore you

Hidden God, devoutly I adore you,
Truly present underneath these veils:
All my heart subdues itself before you,
Since it all before you faints and fails.

Not to sight, or taste, or touch be credit,
Hearing only do we trust secure;
I believe, for God the Son has said it --
Word of Truth that ever shall endure.

On the cross was veiled your Godhead's splendor,
Here your manhood lies hidden too;
Unto both alike my faith I render,
And, as sued the contrite thief, I sue.

Though I look not on your wounds like Thomas,
You, my Lord, and you, my God, I call:
Make me more and more believe your promise,
Hope in you, and love you over all.

Ang aking handog

Ann Christine T. Sison

Panginoon narito ang aking handog
Ang puso ko na Ikaw din ang nagkaloob.
Kasama ng pagaalay ng Anak Mong mahal
na S'yang Tinapay ng aming buhay.

Purihin ang D'yos magpakailan!
Sa Kanyang halimbawa ng pagibig sa lahat.
Kapwa natin mahalin at ating sundin
Si Hesus na nagalay ng Kanyang buhay.

Panginoon narito ang aking handog
Ang buhay ko na Ikaw din ang nagkaloob.
Kasama ng pagaalay ng Anak Mong mahal
na S'yang Inumin ng kaligtasan.

Laudate Dominum

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, sangtinakpan
Laudate Dominum!

Buksan ang aming puso

Rolando Tinio - Eddie Hontiveros, SJ

Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat  pagkukuro
Lahat ay magkayakap

Koro:
Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkulin mabanaag

Buksan ang aming palad
Sarili’y maialay
Tulungan mong ihanap
Kami ng bagong malay.

In my Heart

In my heart I know my Savior lives
I can hear Him calling tenderly my name
Over sin and death He has prevailed
In His glory, in His new life we partake

I know He lives as He has promised
For me He's risen that from fear I may be free
Not even death can separate me
From Him whose love and might remain in me

For I have seen and touched Him risen
To all the world will I proclaim His majesty
With joy I sing to tell His story
That in our hearts may live His memory

And all the earth shall bow before Him
His blessed name all will adore on bended knee
His truth shall reign, so shall His justice
In Christ, my Savior, let all glory be

Coda:
In my heart I know my Savior lives
In His glory, in His new life we partake.

Seed scattered and sown

Dan Feiten

Seed scattered and sown, wheat gathered and grown
Bread broken and shared as one the living Bread of God.
Vine fruit of the land, wine works of our hands
One cup that is share by all, the living cup
The living bread of God.

It’s not the bread we break
A sharing in our Lord?
It’s not the cup we bless
The Blood of Christ out poured?

The seed which falls on rock will wither and will die.
The seed within good ground will flower and have life.

As wheat upon the hills was gathered and was grown,
so may the Church of God be gathered into one.

Awit sa Mahal na puso ni Hesus

Panginoong Hesus, ang Puso Mong mahal
Bukal ng pagibig na lubhang dalisay
Nagkat'wang-tao Ka, sa lupa'y namuhay
Ikaw ay nagmahal hanggang kamatayan

Nang sugatan nila ang Puso Mong mahal
Dumaloy ang tubig at dugo Mong banal
Na humugas sa 'ming walang hanggang buhay
Pagibig Mo Hesus ay walang kapantay.

Panginoong Hesus, ang Puso Mong mahal
Puspos ng pagibig at ng kabutihan
Nagpupuri kami't sa 'Yo'y inaalay
Ang buhay na aba sa pagmamahalan.

Pagkabighani

Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naakit na Kita'y mahalin
At hindi sa apoy kahit anong lagim
Ako mapipilit nginig Kang sambahin

Naaakit akong ika'y mamalas
Nakapako sa krus hinahamak-hamak
At ng tinanggap Mong kamataya't libak

Naakit ako sa 'Yong pagibig
Kaya't mahal Kita kahit walang langit
Kahit walang apoy, sa 'Yo'y manginginig

Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka
Pagkat kung pag-asa'y bula lamang pala
Walang mababago mahal pa rin Kita.

The Seed

The bread by Your Hand was once a seed t'was sown
Then grew and yielded on the ground and gathered all for men
The wine by Your cup was once a vine that crept
It grew to bear good fruits for men
A symbol of Your blood

Chorus:
Of that seed we eat Your body
Our bread of life
Of that vine we drink Your blood
The wine of new covenant

Accept, Lord we offer these seeds and vines of life
Expressions of our gratitude
we consecrate to You

The seeds and vines of life...

Kandilang may ilaw

Mga Kandilang may ilaw, sa luntiang koronang
Pag-asa ang dulot sa mundong naghihintay

Sa pag-pawi ng kadiliman kasalana’y nahugasan
Bagong buhay ang dulot syang saya ng kapaskuhan

Ang Tala’y sisinag dadapo sa puso
Ituturo ang yamang higit sa anuman
Halina Mesiyas manahan sa puso
Ikaw ang tanging yamang hindi mapapantayan.

May awit sa puso ang Birheng Maria
Mapalad ang taong aba’t mapagkumbaba
Dukha’y sasagana, habag nya ang sandata

Ang pangakong kaligtasan Emmanuel ang pangalan.

Pagibig ko

Hindi ka kailangang magbago
Kahit ito'y mas ibig Ko.
Hindi ka kailangang magsikap nang

husto
Upang ika'y ibigin Ko.

Iniibig kita, manalig ka sana
Ako'y kapiling mo
Kahit ikaw pa ma'y mapalayo.

I Love the Lord

REFRAIN

I love the Lord, He is filled with compassion.
He turned to me on the day that I called.
From the snares of the dark, O Lord, save my life be my strength.

Gracious is the Lord and just.
Our God is mercy, rest to the weary.
Return my soul to the Lord our God who bids tears away.
I love the Lord.

How can I repay the Lord for all the goodness He has shown me?
I will raise the cup of salvation and call on His name.
I love the Lord.

I shall live my vows to You before Your people,
I am Your servant.
I will offer You my sacrifice of praise and of pray'r.
I love the Lord.

From the snares of the dark, O Lord, save my life be my strength.
From the snares of the dark, O Lord, save my life be my strength.

Stella Maris

Silvino Borres Jr., SJ

Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga

Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi

Koro:
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw

Tanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian.

Christify the gifts

Christify the gifts we bring to You,
bounty of the earth receive anew.
Take and bless the work of our hands.
Christify these gifts at Your command.

Sun and moon and earth and wind and rain:
all the world's contained in every grain.
All the toil and dreams of humankind,
all we are we bring as bread and wine.

Turn the bread and wine, our hearts implore,
to the living presence of the Lord.
Blessed and broken, shared with all in need;
all the hungers, sacred bread will feed.

With this bread and wine You Christify,
now our deepest thirst You satisfy.
We who by this bread You sanctify
draw the world for You to Christify.

Purihin at Ipagdangal

Purihin at Ipagdangal
Si Hesus na poong mahal
Na sa atin ay humirang upang tana'y paglingkuran
Sa hanay ng kaparian

Iniibig niya tayo at pinalaya sa ting mga sala
Ginawa nya tayo sa liping
Naglilingkod sa Diyos ama bilang mga saserdote

Anak ng taoy dumating paglilingkod ang siyang layunin
Hindi para mangalipin kundi upang maihain
Ang kanyang buhay sa atin

Sinabi ni HesuKristo di ninyo pinili ako
Kundi hinirang ko kayo upang kayo ay humayo
magsipagmungang totoo.

Simbang Gabi, liwanag sa bukangliwayway

Ang simbang gabi ay pagdiriwang
Sa pagdating ng manunubos
Alay kay birheng Maria
Matamis na ina ng ating Diyos

Kay agang nagsigising
Kay agang nananalangin
Kay agang nagdiriwang
Sa hatid na kaligtasan.

Silent Night

Silent night, Holy night
All is calm, all is bright
Round yon virgin, mother and child
Holy infant, tender and mild
Sleep in heavenly peace,
Sleep in heavenly peace.

Silent night, Holy night
Son of God, love's pure light
Radiant beams from thy holy face
With the dawn of redeeming grace,
Jesus, Lord at thy birth
Jesus, Lord at thy birth.

Silent night, Holy night
Shepherds quake, at the sight
Glories stream from heaven above
Heavenly, hosts sing Hallelujah.
Christ the Savior is born,
Christ the Savior is born.

Pasko na!

Ako'y nagtataka sa Paskong kay lamig
Doon pa nadama init ng pag-ibig
Sa sanggol at Ina, puso'y huwag isara
At sa bawat isa puso mo'y buksan na

Koro:
Pasko na! Pasko na!
Tayo'y magkaisa
Magsama sa saya
Ng Sanggol at Ina

Ako'y nagtataka sa sabsabang payak
Doon pa nadama dangal ng Haring Anak
Sa Sanggol at Ina, puso'y huwag isara
At sa bawat isa puso mo'y buksan na
Magsama sa saya ng Sanggol at Ina!

Panginoon Halina at Pumarito Ka

Panginoon halina at pumarito ka
Sagipin mo ang bayang ikaw ang pagasa
Gabay ng mga mahihirap
Panginoon iligtas mo ang iyong bayan

O kay gulo ng mundo
Hirap sakuna at lungkot
Kaya sama sama tayong manalangin
Dahil darating na ang pasko

O kay saya dapat ng pasko
Kung bawat pamilya ay buo
Kaya idalangin natin ang bawat tahanan
Bago sumapit ang pasko.

Ferdz M. Bautista
 

Panis Angelicus

Panis angelicus
Fit panis hominum
Dat panis coelicus
Figuris terminum
O res mirabilis

Manducat Dominum
Pauper, pauper
Servus et humilis
Pauper, pauper
Servus et humilis

Panis angelicus
Fit panis hominum
Dat panis coelicus
Figuris terminum
O res mirabilis

Manducat Dominum
Pauper, pauper
Servus et humilis
Pauper, pauper
Servus, servus et humilis

Pauper, pauper
Servus, servus et humilis.

Pagsibol

Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan

Chorus:
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan

Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
(Chorus)

Coda:
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tumay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang.

Arnel Aquino, SJ

Balang Araw

Balang araw ang liwanag matatanaw ng bulag;
Ang kagandahan ng umaga pagmamasdan sa tuwina.

Koro:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!

Balang araw mumutawi sa bibig ng mga pipi,
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati.

Balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo;
Magsasayaw sa kagalakan, Iindak sa katuwaan.
Koda:
Luwalhatiin, luwalhatiin, luwalhatiin, luwalhatiin
Luwalhatiin ang Diyos!

Silvino Borres Jr, SJ - Manoling Francisco, SJ

Everyone Moved By The Spirit

Everyone moved by the spirit is the son and daughter of God
Led by the power of his love
We will live in the light of the Lord
We will live in the light of the Lord

Come spirit of Jesus
Come with the power of his name
Renew the depths of our heart.

How Lovely Is Your Dwelling Place

How lovely is your dwelling place,
O Lord mighty God, Lord of all

Even the lowly sparrow finds a home for her brood
And the swallow a nest for herself
Where she may lay her young
In your altars my king and my God

How lovely is your dwelling place,
O Lord mighty God, Lord of all

Blessed are they whose dwelling
Is Your own Lord of peace
Blest are they refreshed by springs and by rain
When dryness daunts and scathes
Behold my shield
My king and my God!

Huwag Limutin

(Chorus)
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit

Huwag limutin nakaraang araw
Sariwain kahit balik tanaw
Takipsilim di man mapigilan
Sandali lang ang dilim

'Yong bilangin ang bawat sandaling
Kagalaka'y wari'y walang patid
Magkasama tayo sa pagsapit
Ng 'sang langit sa daigdig

Alaala ng pagkakaibigan
Sa puso itago't ingatan
Sa pagsilay ng bukas tingnan
Alaala't puso'y iisa

Coda:
At ako sa iyo'y aawit.

In Him Alone

In Him alone is our hope
In Him alone is our strength
In Him alone are we justified
In Him alone are we saved

What have we to offer
That does not fade or wither
Can the world ever satisfy
The emptiness in our hearts
In vain we deny (REFRAIN)

When will you cease running
In search of hollow meaning
Let His love feed the hunger
In your soul till it overflows
With joy you yearn to know (REFRAIN)

DESCANT:
In Him alone is our hope
Unto Him I pour out my heart
He alone will save me
With His love and mercy.

O Holy Night

O Holy Night the stars are brightly shining
It is the night of the dear Savior's birth!
Long lay the world in sin and error pining
Till he appeared and the soul felt its worth.
A thrill of hope the weary world rejoices
For yonder breaks a new and glorious morn!

Fall on your knees
Oh hear the angel voices
Oh night divine
Oh night when Christ was born
Oh night divine
Oh night O night divine.

Pagaalay, Pagalaala

Pagaalay namin sana ay kalugdan mo
Isang bayan na nagpupugay nagmamahal sayo
Sa anyo nitong tinapay na nagdudulot ng buhay
At alak na sagisag na bigay mong kaligtasan

Pakinggan mo kami mapagkalingang diyos
Itulot mong sarili namin laging maihandog
Sa banal mong hapag ngayon amin ng ginaganap

Tunghayan mo kami sa yaman ay kapos
Gawing karapatdapat bunga ng paghahandog
Sa banal na pagtitipon pagibig ang tugon

Sarili mong pagaalay ngayon ay inaalala
Habang naghihintay kami sa yong pagbabalik.

Panginoon, Narito Ako

Sino ang aking babalingan? Panginoon ko tanging ikaw.        
'Pagkat taglay mo ang salita ng buhay. Ikaw ang buhay na walang hanggan.

Koro
Panginoon, narito ako. Gawin mo sa akin ang maibigan Mo.       
Handa akong tupdin ang loob Mo. Panginoon, narito ako.

Sino ang aking babalingan? Panginoon ko tanging ikaw.     
Pagka’t Ika’y daan at katotohanan. Ikaw nga ang aking kaligtasan.

Koda:
Ito ang tangi kong hangarin. Lumagi sa ‘yong piling.                  
Makita ka at ibigin. Paglingkuran ng taimtim.

Koro 2:
Panginoon, narito ako. Gawin mo sa akin ang maibigan mo.      
Handa akong tupdin ang loob mo. Panginoon, narito ako.

Danny Isidro, SJ- Nemy Que, SJ

Panginoong Hesukristo

Panginoong Hesukristo Hari magpakailanman
Iligtas mo ang kaluluwa ng yumaong tapat sa'yo
Sa pasakit ng impyerno at sa pook ng kalaliman
Iligtas mo sila sa kadiliman.

At nawa'y dalhin sila ng 'Yong anghel
Sa 'Yong kaliwanagan
Na yong ipinangako kay Abraham at sa kanyang lipi.

Handog namin Panginoon papuri't panalangin
Tanggapin mo alang alang sa yumaong aming mahal
Makatanggap nawa sila mula sa kamatayan
Patungo sa buhan na walang hanggan.

Ferdz M. Bautista

Pescador De Hombres

Tu has venido a la orilla
no has buscado a sabios, ni a ricos
tan solo quieres que yo te siga

Señor, me has mirado a las ojos
sonriendo, has dicho mi nombre
en la rena, he dejado mi barca
junto a ti, buscare otro mar

Lord, you knew what my boat carried:
neither money nor weapons for fighting,
but nets for fishing my daily labor.

Tu sabes bien lo que quiero
en mi barca no hay oro ni espadas
tan solo redes y mi trabajo.

Cesareo Gabarain

Aming Tugon

Panginoon kami natitipon
Sa handog Mong banal na piging.
Tumutugon, nakikibahagi
Sa tawag ng Iyong pag-ibig.

Umaawit ng papuri
Na Ikaw ang titik at himig.
Di malirip ang pag-ibig
Na sa t’wina’y laman ng dibdib.
Ah…

Ang hiling ko’y manatili
Sa’king puso ang ‘Yong pag-ibig
Umaapaw sa paligid
Sa’king kapwa’t sa buong daigdig. Ah…

Tanny H. Gosgolan

Tanggapin Mo

Tanggapin mo panginoon ang alay ko
Puso't isipan ay muling handog sayo
Ang lahat ng bagay na naging bunga nito
Sayo poon sayo lamang iaalay ito

Tanggapin mo panginoon ang buhay ko
Mga pagsubok at paghihirap ng mundo
Ang lahat ng bagay na naging bunga nito
Sayo lamang poon, Sayo lamang iaalay ito.

Tanggapin mo panginoon ang alay ko
Puso't isipan ay muling handog sayo
Ang lahat ng bagay na naging bunga nito
Sayo lamang poon, sayo lamang iaalay ito.

Tanggapin mo panginoon ang buhay ko
Mga pagsubok at paghihirap ng mundo
Ang lahat ng bagay na naging bunga nito
Sayo lamang poon, Sayo lamang iaalay ito.

Panginoon Aming Handog

Panginoon aming handog ang tinapay at alak
alay ng bayang umaasa sa pagdating mo.

Gayundin aming hinahanda ang aming puso
upang dito manahan ka sa pagdating mo.

Ang ulilang lupain malaon ng tigang ay muling magsasaya!
Mananariwa’t mamumulaklak ang ilang, at ito’y aawit sa tuwa!

Huwag kang matakot, lakasan ang loob
Darating na ang Panginoong Diyos!
At ililigtas ka sa kamay ng mga kaaway.

Ferdz Bautista

Now We Remain

We hold the death of the Lord deep in our hearts.
Living, now we remain with Jesus, the Christ.

Once we were people afraid, lost in the night.
Then by your cross we were saved.
Dead became living, life from your giving.

Something which we have known,
something we've touched, what we have seen with our eyes:
this we have heard, life giving Word.

He chose to give of himself, became our bread.
Broken that we might live. Love beyond love, pain for our pain.

We are in the presence of God. This is our call.
Now to become bread and wine: food for the hungry,
life for the weary,
for to live with the Lord, we must die with the Lord.

David Haas

Ito Ang Bagong Araw

Ito ang bagong araw,ito’y araw ng tagumpay;
Anak ng tao’y nabuhay,Siya’y ating parangalan.
Si Hesus muling nabuhay,sa kamataya’y nagtagumpay.

Magalak,h’wag nang lumuha,hinango ang tao sa sala,
Kristo Hesus,tunay Kang Hari,kami sa ‘Yo’y nagpupuri.
Sa krus,Ika’y namatay,ngunit muli Kang nabuhay.

Aleluya,Aleluya!

Danilo B. Isidro, SJ
Felipe Fruto L. Ramirez, SJ

Pag-aalay ng Sarili

Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.

Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.

Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.

Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.

Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.

Lionel Valdellon

Maging Akin Muli

Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot masindakin mong puso
Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko
Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.

Di mo rin akalain tinig mo’y hanap Ko rin,
Ang ‘yong tuwa at sakit, Aking galak at pait.
Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob,
Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko.
Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pag – suyo,
Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.

Arnel Aquino, SJ

The Seed

The bread by Your Hand was once a seed t'was sown
Then grew and yielded on the ground and gathered all for men
The wine by Your cup was once a vine that crept
It grew to bear good fruits for men
A symbol of Your blood

 Chorus:
Of that seed we eat Your body our bread of life
Of that vine we drink Your blood
The wine of new covenant

Accept, Lord we offer these seeds and vines of life
Expressions of our gratitude we consecrate to You

The seeds and vines of life.
 Composer: Samuel P. Aguirre and arranged by J. Nez F. Marcelo

Dwelling Place

I fall on my knees to the Father of Jesus
The Lord who has shown us, the glory of God.

May He in His love give us strength for our living
The strength of His Spirit, the glory of God.

May Christ find a dwelling place of faith in our hearts
May our lives be rooted in love, rooted in love.

May grace and peace be yours in God our Father
And in His son.

May Christ find a dwelling place of faith in our hearts
May our lives be rooted in love, rooted in love.

John Foley, SJ

Ito Ang Aking Katawan

Verse 1
Ito ang Aking katawan, handog Ko sa inyo
Ito ang kalis ng bagong tipan sa 'King dugo
Sa pagtanggap ninyo nito, tanggapin n'yo Ako
At buhay na walang hanggan dulot Ko sa inyo

Verse 2
Kanin ang Aking katawang alay Ko sa inyo
At inumin dugong binuhos para sa inyo
T'wing gagawin ninyo ito, gunitain Ako
At ang buhay na sa bawat tao'y kaloob Ko

Verse 3

L'walhati sa Diyos sa katawang handog sa 'nyo
L'walhati sa D'yos sa bagong tipan sa 'King dugo
Sa pagtanggap n'yo sa Akin, ipahayag ninyo
Aking kamatayan hanggang sa pagparito Ko.

Musika F. LI Ramirez SJ
Titik: D. B. Isidro SJ

Kung 'Yong Nanaisin

Kung 'Yong nanaisin, aking aakuin
At babalikatin ang krus Mong pasanin
Kung 'Yong iibigin, iputong sa akin
Koronang inangkin, pantubos sa amin

KORO:
Kung pipiliin, abang alipin
Sabay tahakin, krus na landasin
Galak ay akin, hapis ay 'di pansin
Ang 'Yong naisin, siyang susundin

Kung 'Yong hahangarin, Kita'y aaliwin
At kakalingain, lumbay papawiin.

Music and lyrics by M.V. Francisco, SJ

Dakilang Pagibig

Koro:
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan

I.
Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating poong si Hesus
Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa sa haring nakapako sa krus.

II.
Purihi't ibigin ang ating D'yos na S'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa

III.
Purihi't ibigin ang ating D'yos na s'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa

IV.
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesuskristo, at ito'y halimbawa ng D'yos

V.
Mapalad ang gumagalang sa D'yos at sumusunod sa kanya
Tatamasahin n'ya ang kanyang biyaya, pagpalain siya't liligaya.

Crispulo Pangilinan - Eddie Hontiveros, SJ

Previous Posts

Posts in our Archive