Bayan, Umawit

Silvino Borres, SJ - Vic Baltazar, SJ
Manoling Francisco SJ

Koro:
Bayan, umawit ng papuri
Sapagkat ngayon ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Dyos, iisang hari
Bayan umawit ng papuri
Bayan umawit ng papuri.

Mula sa ilang ay tinawag ng D'yos.
Bayang lagalag, inangkin nang lubos.
'Pagkat kailanma'y 'di pababayaan,
Minahal N'yang kawan.

Panginoon ating Manliligtas,
Sa kagipitan, Siya'ng tanging lakas.
'Pagkat sumpa N'ya'y laging iingatan,
Minamahal N'yang Bayan.

No comments:

Post a Comment

Previous Posts

Posts in our Archive