Umawit Kayo

Arnel Aquino, SJ

Koro:
Umawit kayo ng bagong awitin
Sa Panginoong butihin!

O Diyos kong mahal, kahanga-hanga ang 'Yong mga kamay.
Ang bisig Mo aking tagumpay.
Ipinakilala ng aking Diyos sa lahat ng bansa
Kanyang kapangyarihan at awa

O Diyos kong tapat, 'di Mo nilimot ang 'Yong mga sumpa.
Ang pag-ibig Mo laging matatag.
Ngayo'y umaawit buong daigdig sa Iyong tagumpay,
At paghango sa amin, 'Yong bayan.

O Diyos kong Ama, kay luwalhati ng "yong mga likha.
Sa kalangitan may pagdiriwang.
Ang mga dapat at ilog man ay nagsusumigaw
Sa 'Yong kadakilaan at dangal.

Magsumigaw sa kaligayahan; itanghal kadakilaan ng Diyos, ng Diyos!

No comments:

Post a Comment

Previous Posts

Posts in our Archive